Maja

Maja at Rambo, inilabas ang prenup pictorial

July 28, 2023 Vinia Vivar 291 views

Bukod sa kasalang Arjo Atayde at Maine Menoda, inaabangan din ang pag-iisang dibdib nina Maja Salvador at Rambo Nunez ngayong Hulyo.

Sa latest update ng engaged couple ay nagkaroon sila ng prenuptial shoot na ginanap sa Cairo, Egypt.

Ipinost nina Maja at Rambo sa Instagram ang mga larawang kuha sa prenuptial shoot kung saan ay makikita sa likuran nila ang mga pyramid.

Walang caption ang mga nasabing larawan but you can easily tell na pre-nuptial shoot ito.

Sa isang set of photos na kanilang ibinahagi, makikitang naka-orange backless dress si Maja habang si Rambo naman ay naka-brown polo and white pants.

Sa isa pang set of pictures ay makikitang naka-formal attire ang July bride and groom.

Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na detalye ng kasal sina Maja and Rambo at hindi rin nila sinasabi kung kailan.

Ang balita ay gaganapin ang kanilang kasal sa July 30 sa Bali, Indonesia.

Masaklap lang na ‘di makaka-attend ang mga ninong na TVJ dahil ‘di na umano kakayanin pa ng kanilang schedule ang bumiyahe pa abroad.

AUTHOR PROFILE