Maine

Maine, binigyan ng bridal shower ng pamilya Atayde

July 24, 2023 Ian F. Fariñas 517 views

MaineNALALAPIT na nga ang kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde kung pagbabasehan ang kabi-kabilang bridal shower ng ibinibigay ng malalapit na kaibigan ang engaged couple.

Bukod sa katatapos na bridal shower on national TV na handog ng kanyang E.A.T. family at mga ninong na sina Tito, Vic and Joey nitong weekend, binigyan din si Maine ng bridal shower ng pamilya Atayde.

Pinangunahan ang naturang okasyon ng kanyang magiging biyenan na si Sylvia Sanchez na nag-post sa Instagram ng mga litratong kuha sa masayang kaganapan.

Anang mommy ni Arjo sa caption, “Happy to welcome you to our big happy and crazy family.

“Soon!!! Mrs Maine Mendoza Atayde kana. Cant wait for the Big Day.

“Love you, my soon to be Daughter in law.”

Mababasa naman sa comment section ang reaksyon ng bride-to-be na nagsabing, “Aahhhh thank you so much Roco, Campo, and Atayde family for last night Had such a wonderful time with everyone.

“Thank you, tita… future mom!!! Love you,” pagtatapos ni Maine.

Ayon sa balita, ngayong Hulyo nakatakda ang grand wedding ng ArMaine na sinasabi pang gaganapin sa Baguio City.

Hula rin ng netizens, sa July 28 ito gagawin dahil nga espesyal na date ito para sa dalawa.

AUTHOR PROFILE