Maine

Maine at Alden, labanan sa pagti-trending

May 26, 2021 People's Tonight 241 views

AldenLABANAN ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pagti-trend ng hashtag na gamit ang pangalan ng kanilang idolo sa Twitter kahapon.

Kapwa trending sa Twitter PH ang hashtags na #MaineMendoza at #AldenRichards.

Mas lamang nga lang ang tweets para sa hashtag na #MaineMendoza kumpara sa #AldenRichards.

Nang busisiin namin ang laman ng tweets, may kinalaman ito sa sari-sariling show ng dalawa.

Ang show ni Maine ay ang PoPinoy sa TV5 kung saan kasama niya si Paolo Ballesteros as host.

’Yung kay Alden naman ay ang Kapuso series niyang The World Between Us kapareha si Jasmine Curtis-Smith.

Eh, dahil kanya-kanya na ang takbo ng career nina Alden at Maine, lumalabo nang lumalabo ang muli nilang pagsasama sa isang proyekto, huh!

SEASON ENDER

BitoyTULOY pa rin ang telecast ng GMA award-winning comedy show na Pepito Manaloto contrary sa naglalabasan sa social media na magtatapos na ito ngayong Sabado.

Ayon sa aming informant, season ender lang daw ngayong Sabado ang mapapanood ng televiewers.

Sabi pa ng informant namin, may malaking pasabog daw sa Pepito Manaloto kaya abangan ito ng manonood.

Tuloy pa rin ang maliligayang araw ng cast, staff and crew ng Pepito Manaloto na sumasabak na rin sa new normal taping, huh!. Ni JUN NARDO

AUTHOR PROFILE