Arjo

Maine, alas ni Arjo sa pagkandidato

October 8, 2021 People's Tonight 407 views

PUMALAOT na rin sa mundo ng pulitika si Arjo Atayde. Congressman sa unang distrito ng Quezon City ang tatakbuhan niya nang mag-file ng certificate of candidacy kahapon.

Malaking alas siyempre kay Arjo ang pagiging boyfriend niya ni Maine Mendoza.

Makakatulong ang pagiging aktibo ni Meng sa social media na maraming fans at followers.

Sa sitwasyon ngayon, social media na rin ang labanan at batikusan kaya humanda rin si Arjo sa kritisismong matatanggap niya, huh!

Siyempre, nandiyan din ang ina niyang si Sylvia Sanchez at kapatid na Ria Atayde na makakatulong sa kandidatura niya.

SharonSHARON, MAGIGING ABALA SA PULITIKA

MAGIGING abala rin sa pulitika si Sharon Cuneta.

Kandidato ang asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan bilang vice president ng incumbent VP na si Leni Robredo.

Huling tumulong sa kampanya si Sharon sa kapatid niyang si Chet nang tumakbo bilang Pasay City mayor pero hindi pinalad.

Samantala, nariyan din ang brother-in-law ni Sen. Kiko na si Gary Valenciano para tumulong din sa kandidatura niya at iba pang artists ng Genesis Management na pinamumunuan ng sister niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano.

YASMIEN SA ‘MPK’

MAGAGAMIT ni Yasmien Kurdi ang kaalaman niya sa pagkanta para sa fresh episode tonight ng Magpakailanman, ang Rebeldeng Anak,

Ulirang Ina: The Elaine Carriedo Lozano Story.

Two parts ang episode na ito mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr. Kasama ni Yasmien sina Marlon Mance, JC Tiuseco at Gilleth Sandico. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE