Maid

‘Maid in Malacañang,’ tinuldukan ang pananamlay ng Philippine cinema

August 3, 2022 Ian F. Fariñas 2374 views

PUTOK sa takilya ang opening kahapon ng kontrobersyal na pelikulang Maid in Malacañang ng Viva Films at nagmistulang Pasko ang atmosphere sa mga sinehan sa dami ng tao at haba ng pila ng mga nanood nito sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Para sa marami, nakatutuwang makita ang muling paglabas ng publiko para tangkilikin ang isang pelikulang Pilipino matapos ang mahaba-habang panahon ng pananamlay nito dahil sa Covid-19 pandemic.

Personal na nagpasalamat ang direktor nitong si Darryl Yap at cast members na sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Cristine Reyes, atbp. sa mga nanood sa pamamagitan ng paglilibot sa mga block screening at nag-theater tour.

Sa interbyu kay Direk Darryl ng broadcast journalist na si Daphne Oseña bago ang showing, tumanggi siyang i-take ang lahat ng credit sakaling magtagumpay nga ang MiM sa box office.

Aniya, sobrang gagaling ng mga artista niya, lalo na sina Cesar at Ella na puro take one ang mga eksena.

Pag-amin pa ni Direk Darryl, napakahaba ng confrontation scene nina Cesar at Diego bilang mag-amang dating Pangulong Ferdinand Marcos at Pres. Bongbong Marcos.

Pinutol lang daw niya ito pati na ang eksena nina Ruffa (bilang former First Lady Imelda Marcos) at Diego na mahaba rin dapat.

Anang direktor, ipapakita na lang ang kabuuan ng nasabing mga eksena sa pinaplanong Director’s Cut na maaaring ipalabas sa Netflix.

Originally pala, tatlong oras ang running time ng pelikula.

“Ano ’yan, Titanic? Bawasan mo ’yan,” reaksyon daw ni Sen. Imee Marcos.

Kwento pa ng direktor, ipinagagawa na sa kanya ng Viva bosses ang second installment sa trilogy, ang MoM (Martyr or Murderer),

Noon pa raw positibo ang Viva na tatangkilikin ng publiko ang MiM kahit pa sinasabi ni Direk Darryl na tingnan muna ang reception ng manonood bago gawin ito.

“I don’t know, let’s see,” sabi pa ng box-office director.

AUTHOR PROFILE