Darryl

‘Maid in Malacañang,’ naka-P21M sa 1st day

August 4, 2022 Vinia Vivar 803 views

Wagi sa box-office ang opening day ng Maid in Malacañang last Aug. 3, Wednesday. Ayon sa post ng Viva Films kahapon, nag-gross ng P21 million pesos ang pelikula sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.

“21 million na pasasalamat sa aming opening day! Philippine cinema is back,” ang nakasaad sa art card na ipinost ng Viva Films sa kanilang Facebook page.

Nag-post din ng pasasalamat sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez na gumaganap bilang former First Lady Imelda Marcos sa pelikula.

“P21 MILLION na pasasalamat sa aming opening day! Super grateful for the support!!” tweet ni Ruffa.

Sa kanyang VinCentiments FB page ay nagpasalamat din ang direktor na si Darryl Yap na may kasama pang hugot.

“Kahit pa kunwari di maintindihan ng mga pinklawans ang pre-selling at block screening, pinalalabas na libre ang tickets at namimilit kunô, tanggap na namin yang bitter reasons nila para mas lalo silang malugmok sa inggit.

Hihihi,” post ni Direk Darryl.

Naaliw kami na hinanap niya ang 10M dahil 31M ang boto ni President Bongbong Marcos noong nakaraang eleksyon.

“Pero yung AKALA KO BA 31 MILLION ang boto! BAKIT 21 MILLION LANG YAN? Bahala na kayo. may pang-mahjong na kami… sino babakas?” sey ni Direk Darryl.

AUTHOR PROFILE