Rufa

‘Maid in Malacañang,’ may kinalaman sa pagpirma ni Ruffa sa Viva

August 16, 2022 Ian F. Fariñas 116 views

CERTIFIED Viva baby na si Ruffa Gutierrez matapos pumirma ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) kahapon.

Sa virtual media conference kasama ang ina at co-manager na si Annabelle Rama, inamin ng controversial actress na malaki ang kinalaman ng blockbuster Viva movie niyang Maid in Malacañang sa pagpirma niya sa kumpanya ng mga Del Rosario.

“It sealed the deal,” diin ng aktres, na lately ay nagiging paborito ng mga basher/hater.

Sa dami ng blessings na dumarating sa kanya ngayon, dedma lang si Ruffa sa kabi-kabilang kontrobersiya at paninira sa kanya.

Katwiran niya, “You know what, I think ’yung pagiging controversial hindi naman ’yan ginagawa, it just happens. It’s sort of like luck, ’di ba? When Lady Luck is on your side and marami kang success, kakambal ’yan ng controversy. So hindi natin maiiwasan ’yan. Kung hindi ka na pinag-uusapan sa showbiz, du’n ka na magtaka. Ibig sabihin, laos ka na so okay na rin ’yung pinag-uusapan, tinitira. At least, they still have time and you’re still relevant for them, ’di ba?”

Dagdag pa ni Ruffa, “I’ve been in the industry for more than 36 years and all the major superstars, not only in the Philippines but all over the world, may mga basher. So hindi na natin sila dapat iniintindi and hindi na natin dapat iniintindi ’yung mga naninira because you’ll never be able to change their minds. Some people will love you, some people won’t like you, some people will always change their minds about you. Ang importante you just remain true to yourself.”

Sa ngayon, marami siyang naka-line-up na proyekto sa bagong home studio at sabi nga ni Boss Vic del Rosario, gagawin nila ito bago pa mag-asawa si Ruffa.

Biro ng aktres, pwede pa siyang magka-baby, na sinagot naman ng mommy niyang si Tita Annabelle ng, “’Wag kang mangarap, Ruffa!” kaya tawanan ang lahat.

Anyway, kabilang sa mga nasa drawing board ang possible second and third installments ng highly successful na MiM — ang MoM (Martyr or Murderer) at MaM (Mabuhay Aloha Mabuhay) ni Direk Darryl Yap.

“Exactly, kaya kailangan pumirma ako sa Viva para hindi ako patayin sa part two and three, ’di ba? Para mas humaba ’yung role ko as Imelda Marcos sa part two and three and malay mo, magkaroon pa ng solo film ’yon? So these are all in the works,” aniya.

Klaro na masaya ang puso ni Ruffa sa ngayon dahil may inspirasyon siya sa katauhan nga ni dating QC Mayor Herbert Bautista.

“Ang lovelife naman when you’re at this age kailangan maki-mix sa mga bagay-bagay na mas mahalaga para sa atin like our family, our careers, so we should be with a man that understands all that and can take the backseat when he has to, will support you when you need his support, so para sa akin, hindi naman kailangan itanong na i-prioritize ang lovelife o i-prioritize ang career.

Understood na lahat ’yan kasama na sa buhay natin. Ang pangit naman kung puro career na walang nagpapa-inspire sa ’yo, ’di ba? Ang importante you know how to balance everything and live a well-balanced life,” paliwanag niya.

Bukas daw si Ruffa sa iba’t ibang klase ng role lalo pa nga’t ang partnership nila ng Viva mula pa nu’ng gawin niya ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa Ngayon noong 1996 ay pulos successful.

Wish niyang makatrabaho muli sina Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo at ang mga bagong Viva talents.

Game rin siyang maging bida, kontrabida, mataray and all at bet niyang sumabak sa action o kaya naman ay sa adaptation ng isang Koreanovela.

“Basta I love powerful roles, roles of strong women,” banggit ni Ruffa.

AUTHOR PROFILE