Mom

‘Maid in Malacañang,’ buwena manong handog ng Viva Prime

January 4, 2023 Jun Nardo 1556 views

Nadine

KASADO na ang pagsisimula ng Viva Prime.

Ang box-office hit na Maid In Malacañang ang unang isasalang sa latest streaming app ng Viva aside from Vivamax.

Of course, nais din naman ng Viva na bigyan ng panoorinn na akma sa pamilya at general patronage kung saan umani rin ng tagumpay ang Viva.

Tutal naman, ang Vivamax ang pangunahing local streaming app kaya wala na itong dapat patunayan pa, huh!

Eh, kahit may streaming app, patuloy pa rin ang paggawa ng movies for cinema ng Viva lalo na’t ang 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nitong Deleter ay number one na sa lahat ng entries at iikot na sa iba’t ibang bansa worldwide gaya ng Amerika, UAE at Singapore.

Kris

KRIS, BABU NA SA HUMPAK NA PISNGI

LAHAT ay nagulat pero nakaramdam ng tuwa nang makita ang bagong hitsura ni Kris Aquino.

Inilabas ng dating Batangas Vice Governor Mark Leviste ang picture nila ni Kris nang makasama niya ito sa New Year’s celebration sa abroad.

Goodbye na si Kris sa kanyang humpak na pisngi. Medyo mabilog na ito ngayon, huh!

Wala namang inilabas si Kris o VG Mark sa estado ng treatment ng una sa hospital.

Pero kahit hindi man gusto ng ilan si Kris, may natutuwa pa rin sa development na ito sa kanyang look.

AUTHOR PROFILE