Mahilig sa maiksi
NAGPAULAN ng init sa social media ang sexy star at entrepreneur na si Ely Mist matapos niyang mag-post ng isang mapanuksong larawan na agad-agad pinag-usapan ng kanyang mga tagahanga. Sa larawan, suot niya ang isang daring red bikini na bumagay sa kanyang bottle-like body, habang nagpapakita ng kanyang cocomelon at nakakasilaw na kinis ng balat.
Tila sinasagot ni Ely ang tanong niya sa caption, “They say girls are only attractive with long hair, is it true?” na para bang nagsasabing, “Ako na ba ang sagot?”
Hindi pinalampas ng fans ang bawat detalye ng kanyang stunning pose habang siya’y umaarte sa isang sofa. Komento ng isang netizen,
“Pinainit mo ang pasko ko.” Isa pang fan ang nagsabi, “Oh my gosh what move!”
Umapaw ang mga puso at apoy na emoji sa comment section, na tila ba nagliyab ang internet dahil sa kanyang fiery post. Ang ilan pa’y humirit na tila si Ely na raw ang kanilang ultimate girl crush.