Larawan: Nichole Ann Barot/IG
Mahilig kumain, sarap kainin
NAGPASIKLAB muli ang sexy star na si Nichole Ann Barot sa kanyang bagong post sa Instagram na talaga namang bumihag sa mga netizens!
Sa kanyang caption na “Sun bum PS: don’t mind my flabs. I love eating,” walang pakialam si Nichole sa mga standard ng “perfection” habang confident niyang ipinapakita ang kanyang kaseksihan.
Suot ang alluring black bikini, umapaw ang init ng araw at ang karisma ni Nichole sa naturang larawan. Kitang-kita ang sun-kissed glow niya habang relaxed na naka-pose at nilalasap ang init ng araw.
Ngunit higit pa sa kanyang flawless skin at curvy silhouette, ang pagiging totoo niya ang umantig sa damdamin ng kanyang followers.
Nagpiyesta ang netizens sa comment section, lalo na sa pag-uphold nito ng body positivity.