Mahigit P1M shabu nasamsam ng MPD sa Ermita, Sta Mesa
TINATAYANG aabot sa mahigit isang milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga operatiba ng Ermita Police Station 5 at ng Sta.Mesa Police Station 8 ng Manila Police District sa ikinasang buy-busts sa Intramuros sa Ermita at sa V Fransico Street , Barangay 591, Sta.Mesa Manila.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, MPD Station 5 commander, apat na indibidual ang natimbong ng kanyang mga tauhan na pinangunahan ni Police Captain Bernardo Diego, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU). Dalawang lalaki at dalawang babae ang naaresto sa operasyon na ginanap bandang 12:15 ng madaling araw nitong Miyekoles. sa A.Soriano Street, Intramuros.
Mahigit kumulang sa 125 gramong hinihinalang shabu katumbas sa halagang P850,000 ang nasamsam ng mga awtoridad.
Samantala, dalawang suspek na nasa drug watch list ng pulisya ang nahulog sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Sta.Mesa , Manila.
Base sa pahayag ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, Station Commander, bandang 1:00 ng madaling araw ng Miyerkoles nang ilatag ang buy-bust sa dalawang indibidual sa harap ng bahay sa Francisco Street, Barangay 581, Sta.Mesa.
Pinangunahan ni Police Staff Sargent Joel Delos Santos ang buy-bust.
Nakuhahan ng mahigit kumulang sa 57 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P387,600 ang mg suspek.
Nahaharap ang anim na suspek sa paglabag sa article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002)..
Agad nagpaabot Ng mensahe ng pasasalamat at papuri sa mga kapulisan Ng Ermita PS 5 at Sta mesa PS 8 si The Game Changer General MPD Chief Police Brigadier General Andre P Dizon dahil sa patuloy na kampanya laban sa illegal na Droga.”Walang puwang Ang mga drug pusher sa Lungsod Ng Maynila,” aniya.