MRT3

Mahigit 57 bagong overhaul na bagong MRT-3 inilunsad

June 24, 2022 Jun I. Legaspi 129 views

HALOS nasa 57 na ang bilang ng mga bagong “overhaul” na bagon ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) na matagumpay na nai-deploy ng pamunuan sa mainline, matapos madagdagan pa ito ng isa nitong Hunyo, 22, 2022.

Sa kabuuan, 15 na lamang sa 72 bagon ng MRT-3 ang nakatakdang isalang sa overhauling, kung saan kinukumpuni at pinapalitan ng bago ang mga depektibong piyesa upang maibalik sa maayos na kondisyon ang mga bagon.

Dumaraan din sa serye ng mga speed at quality checks ang mga bagong overhaul na bagon, upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Nakatutulong ang mas maraming bilang ng operational train sets ng MRT-3 sa pagtataas ng kapasidad ng linya.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 380,000 pasahero ang napagseserbisyuhan ng MRT-3 kada araw.

Libre pa rin ang pamasahe sa buong operational hours ng linya, sa pagpapatuloy ng programang “Libreng Sakay” ng MRT-3 hanggang Hunyo 30, 2022.

AUTHOR PROFILE