Default Thumbnail

Mahigit 50 Chinese vessels namataan sa WPS — AFP

July 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 173 views

MAHIGIT sa 50 Chinese vessels ang namataan sa Iroquois reef at Sabina Shoal sa West Philippine Sea o WPS.

Sa isinagawang air patrol operation ng Armed Forces of the Philippines – Western Comand nitong June 30, umabot sa 48 fishing vessel ang nakita malapit sa Iroquois reef na matatagpuan sa Katimugang bahagi ng Recto Bank sa WPS.

Sinabi ni Lieutenant Karla Andres, co-pilot ng Philippine Navy ‘s light patrol aircraft,wala namang nakitang fishing activity sa lugar.

“The fishing vessels were observed to be anchored in groups of five to seven and no fishing activities were noticed,” – pahayag ni Andres.

Napag-alaman na nitong February, 12 fishing vessel lamang ang nakita sa lugar at nadagdagan ito ng 47 pa pagsapit ng June 12.

Bukod sa Chinese fishing vessels, tatlong barko ng Chinese Coast Guard o CCG at dalawang barko mula sa People’s Liberation Army Navy ang regular na naglalayag malapit sa Sabina Shoal.

Dahil sa nakakaalarmang aktibidad ng China sa paligid ng WPS, sinabi ng Wescom na iaakyat nila ang ulat sa kinauukulan para sa posibilidad na pagsasampa ng diplomatic protest.