Default Thumbnail

Mahigit 200 miyembro ng MPD nag-escort sa libing ni Susan Roces

May 26, 2022 Jonjon Reyes 287 views

DAHIL sa napakaraming nakiramay sa pagyao ni Susan Roces sa Manila North Cemetery, minabuti ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na mag bantay at mag-escort sa libing ng batikang aktress.

Ayon kay PMajor Philipp Ines, hepe ng MPD Public Information Office(PIO), mapayapa at maayos ang naganap na paglilibing sa aktres.

Huwebes ng umaga nang ihatid na sa kanyang huling hantungan ang Reyna ng pelikulang Pilipino nsa Manila North Cemetery.

Ang labi ni Roces ay inilagay sa tabi ng kanyang mister na si Fernando Poe Jr. na tinaguriang “Hari ” ng pelikulang Filipino.

Pasado 11 a.m. nang dumating sa MNC ang funeral convoy ni Roces mula sa The Heritage Park sa Taguig City matapos ang isinagawang misa.

Ayon sa Manila Police District (MPD), may 290 pulis ang nagbigayseguridad sa naturang libing.

Takaw eksena naman ang pagsulpot ng isang ahas sa isang nitso dahilan para magulat at mapasigaw ang ilan sa mga nakipaglibing habang nag aalay na ng bulaklak ang mga kaanak ng aktres sa pangunguna ni Senator Grace Poe at mga kaanak. Ni JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE