
Mahigit 120k nakatanggap ng fuel subsidy
UMABOT na sa 120,496 drayber at operaytor ng mga pampublikong sasakyan ang nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng Fuel Subsidy Program (FSP) ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Batay sa datos ng LTFRB, hanggang noong Oktobre 11, 2023 ay P787,494,000 na ang halaga ng naipamigay na ayuda.
Namigay ng fuel subsidy ang gobyerno upang matulungan ang mga drayber at operaytor ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.