Maharot
“RED-ELICIOUS” ang atake ng mapang-akit na Vivamax crush na si Aiko Garcia sa social media.
Binansagan pa ngang “the red queen” ng netizens ang aktres nang masilayan ang isang post niya sa Instagram.
Eh kasi naman, si Aiko, malinamnam ang patakam habang suot ang two-piece red bikini habang nagre-relax sa swimming pool.
Kahit na sinong barako na kanyang tagasubaybay ay titirik ang mga mata sa perpektong kurba ng katawan ni Aiko at makinis na balat nito.
May magandang aromang dala ang karisma ng hot actress kaya nga bet na bet siyang sisirin ng mga male fans.
Loud and proud nga ang mga kalalakihan sa kanyang comment section na crush nila ang Vivamax actress. Hinangaan at pinusuan nila ang inihain ni Aiko.
Matatandang nitong July, tampok si Aiko sa kalalabas pa lang na original film ng nasabing subscription based, video on-demand app na ‘Maharot’ sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr.
Bukod sa bagong pelikula, nakilala rin si Aiko sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Balik Taya (2023), Flirtatious (2023), at Palipat-lipat, papalit-palit (2024).