Default Thumbnail

Magulang namatayan ng sanggol, nagreklamo

September 5, 2021 Melnie Ragasa-limena 341 views

DUMULOG sa pulisya ang isang mag-asawa upang sampahan ng kaso ang dalawang doktor ng isang pribadong ospital sa lungsod Quezon matapos bawian ng buhay ang kanilang siyam na buwang gulang na anak na lalaki kung saan pinapapirma umano sila sa death certificate na COVID-19 ang naging sanhi ng kamatayan nito.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District nangyari ang insidente ay naganap 10:25 ng umaga noong Setyember 4, 2021 sa isang ospital sa Novaliches Quezon City.

Ayon sa mga magulang, bago ito ay dinala nila sa nasabing ospital ang kanilang anak bandang alas tres ng hapon ng Setyembre 2, 2021 para umano sumailalim sa CBC examination.

Matapos na lumabas ang resulta ng examination ay pinayuhan umano sila ng doktor ng anak na kailangan itong ma-admit sa ospital.

Setyembre 4, 2021, bandang 10:25 ng umaga ay binawian ng buhay ang sanggol.

Lalo pa umanong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ng mag-asawa ng sabihan sila ng isang empleyado ng ospital na pumirma umano sila sa death certificate na kung saan nakasaad na COVID-19 umano ang dahilan ng kamatayan ng kanilang anak.

Pursigido umano ang mag asawa na kasuhan ang mga doktor kasama na ang ospital kung saan namatay ang kanilang anak.