‘Magtipid sa tubig,’ DND sec sa mga camp commander
INATASAN ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang lahat ng commander ng mga kampo militar na magtipid sa tubig bilang paghahanda sa El Niño.
Ipinarating ng kalihim ang utos sa pulong ng Task Force El Niño (TFEN) sa Office of Civil Defense sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Ayon sa kalihim, pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno na magpatupad ng water conservation policy sa gitna ng nararanasang epekto ng El Niño.
Pinatitiyak din ni Teodoro na maayos ang lahat ng mga sirang tubo sa mga pasilidad ng kampo para walang nasasayang na tubig.
Hinimok din ng kalihim ang mga miyembro ng militar at kanilang pamilya na makiisa sa “whole-of-government approach” para maibsan ang epekto ng El Niño.