Default Thumbnail

Magsasakang wanted sa ‘rape’ sa Cavite nadakma sa Balete

April 2, 2023 People's Tonight 201 views

CAMP GEN. MIGUEL MAVAR, Batangas — Nadakma ang isang most wanted person (MWP) sa regional level sa Cavite dahil sa kasong ‘rape’ ng Lian Municipal Police at Batangas Provincial Intelligence Unit dakong alas 4:54 p.m. ng Marso 29, 2023 sa Balete, Batangas
City.

Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial O6ce Provincial Director Police Colonel Pedro D. Soliba kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, ang akusado ay magsasaka, 42 taong gulang, may-asawa at residente ng nasabing bayan.

Ang magsasaka ay naaresto sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong rape na inilabas ng Regional Trial Court Branch 90 ng Dasmariñas, Cavite noong Marso 1, 2023 at walang kaukulang piyansa. Nangyari umano ang rape ng isang menor de edad Dasmariñas, Cavite.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lian MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon at return of warrant nito.

“Ang kapulisan sa Batangas ay patuloy na nagpapatupad ng aming mandato at paghahatid ng tapat at maayos na serbisyo sa pagsusulong ng kaayusan at kapayapaan ng komunidad,” ani Soliba.

AUTHOR PROFILE