SWAT Naka-antabay ang mga operatiba ng SWAT team at EOD sa labas ng nasabing gusali kaugnay sa isang lalaki na nanakot at nagpaputok ng baril sa Paco, Manila. Kasabay nito nagsasagawa ng back-tracking sa CCTV ang mga Kapulisan sa nangyaring insidente. Mga kuha ni JON-JON C. REYES

‘MAGSAMA-SAMA NA TAYONG LAHAT DITO!’

July 10, 2023 Jonjon Reyes 295 views

PNPKelot bigong ‘wag mag-OFW ang gf; nagpaputok, nagwala

PATULOY na pinaghahanap ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang Isang 32-anyos na lalaki na umano’y nanakot at nagpaputok ng baril sa Life Works Inc. Agency na matatagpuan sa 401 CRS Tower Building sa1535 Perdigon St. corner Quirino Ave., Paco Manila, Lunes ng umaga.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz Station, MPD Ermita PS 5 commander, ang suspek na si Lylie Adams Fernandez, 32, tubong Pangasinan.

Samantala ang biktima ay nakilalang si Liezel Raguindin, 32, aplikante sa Life Works Inc. Agency.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, selos umano ang naging ugat ng insidenten.

Pnipigilan umano ng suspek ang kanyang kasintahan na umalis papuntang ibang bansa bilang OFW.

Ayon sa ulat ng pulisya base sa kuha ng CCTV, bandang 10 a.m. ng magtungo ang suspek sa tinutuluyan ng biktima upang kausapin ito.

Hindi umano nagpapigil ang biktima sa kanyang pag-alis.

Dito na umano nagwala at nagalit ang suspek at sinabing “MAGSAMA SAMA NA TAYONG LAHAT DITO”.

Sabay nito ay nagpaputok ng baril ang suspek.

Dahil dito, nabahala at natakot ang ilang nasa loob ng nasabing gusali, kung kaya’t agad silang humingi ng tulong sa mga barangay opisyal.

Inakalang may dalang granada ang nasabing suspek.

Agad na nagtungo si Hannah Yousef Mowchin sa himpilan ng Paz PCP MPD PS 5 upang magsumbong kaugnay sa insidente.

Agad inatasan ni PCapt. Albert Badiola Paz, PCP Commander ang kanyang mga kapulisan na rumesponde at magtungo sa pinangyarihan ng insidente.

Kasama ang mga operatiba Ng SWAT Team at Explosive Ordnance Division K9 Unit ay kinordon ang lugar ngunit tumakas ang suspek.

Samantala, sinabi ng mga otoridad na hindi naman nagtangkang mang-hostage ng tumakas na suspek.

Mahaharap sa reklamong indiscriminate firing ang nasabing suspek.

Sinabi ni The Game Changer General MPD Chief Police Brigadier General Andre P Dizon na walang hostage taking na nangyari taliwas sa unang napaulat, at sa katunayan ay wala namang negosasyon na naganap.

AUTHOR PROFILE