Crime

Magpaparol di pinaabot ng Pasko, dinedo

September 19, 2023 Bernard Galang 319 views

PATAY ang negosyanteng babae na nagde-deliver ng mga parol nang barilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Pampanga noong Martes.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ang biktima na si Rosalind Mangune, ng Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa report, ibinababa ni Mangune ang mga parol sa Salilungan, Jasa, Bgy. San Juan, San Fernando, Pampanga nang sumulpot ang dalawang lalaking sakay ng itim na motorsiklo at pinagbabaril ang babae.

Agad na namatay ang babae. Nagi-imbestiga na ang San Fernando police para matukoy ang mga suspek at ang motibo sa pagpatay.

AUTHOR PROFILE