Magnitude 6.6 lindol niyugyog ang Calatagan

July 24, 2021 Jun I. Legaspi 38 views

Pag-uga ramdam sa NCR, CL, Visayas

NIYUGYUG ng magnitude 6.6 na lindol ang malaking bahagi ng Region 4, o Southern Tagalog, Metro Manila at Central Luzon at bahagi ng Visayas Region, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa monitoring center ng agency 4:48 a.m., ng maramdaman ang malakas na lindol na ang sentro ay 26 kilometer south ng Calatagan, Batangas.

Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at umabot ito ng 123 kilometers ang lalim sa lupa.

Kasalukuyan ngayong inaalam ng agency sa kanilang mga frontliners sa field ang lawak ng pinasala ng lindol.

Naramdaman ang Intensity V sa Calapan City, Puerto Galera, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Tagaytay City, Carmona at Dasmarinas City sa Cavite.

Naramdaman naman ang Intensity IV sa mga lugar ng Quezon City, Marikina City, Makati City, VAlenzuela City, Pasay City, Manila, Taguig City, Batangas City at Talisay City, at San Mateo sa Rizal.

Naramdaman din ang Intensity III sa mga lugar ng San Idelfonso, Pandi, Malolos, San Rafael, at Marilao sa Bulacan.

Intensity II naman sa mga lugar ng Dagupan City, Polilio Island sa Quezon at Intensity I sa Guinayangan Quezon, Pampanga, Iriga at Sipocot, Camarines Sur, Daet, Camarines Norte, Palayan City, Nueva Ecija, Iloilo City, Kalibo Aklan, San Jose City, Antique, Bago City at Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, 24 aftershocks ang naitala as of 9:16 a.m. “with the strongest at magnitude 5.5, which immediately followed the first intense tremor. The majority of the aftershocks were recorded at magnitude 2.”

AUTHOR PROFILE