Default Thumbnail

Magnitude 5.1 lindol niyanig Camarines N.

February 8, 2023 Jun I. Legaspi 280 views

INUGA ng magnitude na 5.1 na lindol ang probinsiya ng Camarines Norte, Martes ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivlocs).

Sa monitoring center ng ahensiya, naitala ang sentro ng lindol sa 15 kilometer northeast ng Tinaga Island 9:46 p.m. (Pebrero 7) at tectonic ang origin ng lindol.

Mariing nagbabala ang Phivolcs dahil na rin sa mababa ang lalim nito sa lupa kaya inaasahan ang posibleng aftershocks.

Sanhi ng malakas na lindol, naramdaman ang Intensity V sa lugar ng Mercedes, Camarines Norte, Intensity IV naman ang naramdaman sa Daet, Camarines Norte, Intensity III sa Ragay, Camarines Sur, Intensity II sa Tabaco, Albay, Iriga City, Samarines Sur, Guinayangan, at Polilio probinsiya ng Quezon.

Intensity I naman ang naramdaman sa mga lugar ng Legazpi City, Albay; Lopez, Gumaca, Mulanay, Mauban, sa Quezon.

 

AUTHOR PROFILE