Default Thumbnail

Magnanakaw huli sa Ermita

August 20, 2021 Francis Naguit 388 views

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District Ermita Police Station 5 na pinangungunahan ni PLT Col. Evangeline Cayaban at si PCpl Larry Bandong ng TMRU ang mga suspek na sina Harinor Didagen y Baliin at Tiborsio Consulacion y Salvador sa paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code, o robbery in an inhabited place.

Napagalaman na puwersahang binuksan nina Didagen at Consulacion noong Agosto 19 4:30 ng umaga ang ground floor (garahe) ng Seaman Dorm sa 1175 A. Mabini St., Bgy. 667, Ermita, Manila.

Si Didagen, 21, lalaki, walang trabaho, batang city jail at residente ng Block 15B Baseco Compound, Port Area; at si Consulacion, 24, residente ng Block 15 Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area, ay kinasuhan ni Bandong at siya’y sinamahan ng caretaker ng dormitoryo na si Billy O. Ramos Jr.

Nakuha sa mga suspek ang isang Asus Zenfone na nagkakahalaga ng P6,500 na pag-aari ng complainant na si Bandong habang sila ay papatakas.

Ang dalawang suspek ay ihaharap sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong robbery in an inhabited place ni IOC PSMS Aldrin Bacho ng Ermita Police Station 5. Francis Naguit & JonJon Reyes

AUTHOR PROFILE