Tulfo

Magna carta for Pinoy seafarers urgent bill na

September 26, 2023 Camille P. Balagtas 359 views

TUWANG-TUWA at nagpasalamat si Sen. Raffy Tulfo nang sertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na naglalayong lumikha ng Magna Carta para sa mga Filipino seafarers o Senate Bill (SB) No. 2221.

“I am very happy that we have passed the first phase of the period of amendments for the Magna Carta of Filipino Seafarers bill yesterday, Sept. 25, which coincides with the celebration of the National Maritime Week.

Nagpapasalamat ako sa ipinakitang suporta ni Senate President Juan Miguel Zubiri at mga kasamahan ko sa Senado para sa panukalang batas na ito,” sani ni Tulfo, ang principal sponsor ng SB No. 2221.

“Masaya din ako sa suportang ipinakita ng mga stakeholder at unyon ng mga marino, kabilang na ang Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) at AMOR Seaman.

Sa isang liham kay Senate President Juan Miguel Zubiri, pinamamadali na ni Pangulong Marcos sa Kongreso ang pagpasa sa Magna Carta of Filipino Seafarers.

Ginawang urgent bill ni Pangulong Marcos ang panukalang batas kasunod ng banta ng European Union na ipagbabawal ang pagkuha ng mga marinong Filipino hangga’t hindi sumusunod ang Pilipinas sa kanilang pamantayan.

Ayon kay Tulfo, “Matapos ang unang stage ng period of amendment at ang suportang ito mula mismo kay Pangulong BBM, mas tiwala ako na mapapabilis ang pagsasabatas ng Magna Carta of Filipino Seafarers bill.”

Kasama sa naghain din ng kanilang mga bersyon ng Magna Carta of Filipino Seafarers ngayong 19th Congress sina Sens. Zubiri, Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Bato dela Rosa, Jinggoy Estrada, Robinhood Padilla, Cynthia Villar , Sonny Angara, Grace Poe, Win Gatchalian, Bong Revilla, Bong Go, Mark Villar, at Loren Legarda.