Default Thumbnail

Magkapatid na paslit patay sa sunog gawa ng katol

February 18, 2022 Zaida I. Delos Reyes 255 views

NATUSTA ng buhay ang magkapatid na paslit matapos na masunog ang kanilang bahay dahil sa naiwang katol nitong Miyerkules ng gabi sa Moncada, Tarlac.

Ang mga bktima ay nakilalang sina Prince Ferolino, 5 at kapatid na si Princess Sophia, 3, residente ng Barangay Tubectubang , Moncada, Tarlac.

Ayon sa ulat ng Moncada Police Station, natutulog umano ang mga biktima kasama ng kanilang ina sa kanilang silid nang bilang magliyab ang bahay na gawa lamang sa light materials.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa nakasinding katol na naiwan sa tabi ng mga biktima.

Mabilis umanong kumalat ang apoy at tinupok ang buong bahay.

Nakaligtas naman ang ina ng mga bata subalit nagtamo rin ito ng mga paso sa katawan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang bigyang linaw ang insidente.