CIDG Tuluyang naaresto ng CIDG Region 13 ang diumano’y ‘magkalaguyo’ matapos na maaktuhan magkasama sa loob ng bahay ng biktima sa Sitio Bacud Bgy. Luna, Surigao City. Kuha ni Jon-jon Reyes

‘Magkalaguyo’ timbog sa Surigao City

August 6, 2022 Jonjon Reyes 149 views

INARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 13 Caraga ang umano’y “magkalaguyo” makaraang maaktuhan habang nagtatalik sa mismong bahay ng nagreklamong mister sa Sitio Bacud, Barangay Luna Surigao City.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Article 334 ng Revised Penal Code (Concubinage) o “adultery” sina ang isang 33-anyos na kawani ng pamahalaan at= “Rowena” (hindi tunay na pangalan), 23 taong gulang, kapwa residente ng Sition Bacud sa nabanggit na barangay.

Base sa ulat na ibinigay ni P/Lt. Col. Monico Cadayona, hepe ng CIDG Region 13 sa Caraga, dumulog sa kanyang tanggapan ang biktima na isang umanong opisyal ng barangay sa lugar upang ipaaresto ang asawa nito, araw ng Biyernes, Agosto 5, 2022, dahil ang kanyang asawa ay may “kinakasamang” iba sa loob ng kanyang sariling tahanan.

Agad na iniutos ni Cadayona sa Surigao del Norte CIDG PFU, sa pangunguna ni P/Maj. Dennis Alicando kasama sina PSMS Reynaldo P. Go, Pat. Rafael M. Agawon, Pat. Marvic Ryan Pabico, at Pat. Archie Caronan at dito nila naaktuhan ang magkalaguyo na magkasama sa bahay ng biktima.

Ang mga naaresto ay nasa kustodiya ng himpilan ng CIDG para sa dokumentasyon at disposisyon.

AUTHOR PROFILE