Magkaibang opinyon nina Rayver at Jasmine sa second chances
INILAHAD ni Rayver Cruz na mahihirapan siya pagdating sa pagbibigay ng second chances sa pag-ibig. Ngunit si Jasmine Curtis-Smith, mas bukas naman dito.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tinanong ang mga bida ng Kapuso series na “Asawa ng Asawa Ko,” na mag-iisang taon na sa Enero, tungkol sa cheating o pagtataksil.
“Emotional or physical investment in another person [outside of your relationship],” sabi ni Jasmine.
“Pagka hindi ka ganu’n ka-contented pa sa kung ano ang meron ka, hahanapin mo sa ibang tao. And then hindi buo ‘yung loob mo na aminin sa current partner mo kaya nagkakaroon ng hulihan or cheating,” para naman kay Rayver.
“Para kasi sa akin, Tito Boy, ibig sabihin hindi ka pa talagang committed na ibigay ‘yung lahat, i-invest ‘yung lahat sa taong napili mo na.
‘Yung sobra na ‘yon na kaya mo pang ibigay sa iba, or doon dapat sa napili mo na, kahit boyfriend status pa lang, kung papunta na rin kayo dapat doon, doon mo i-invest ‘yung time na magkausap kayo, lahat ng problema mo,” pagsegunda ni Jasmine.
“Kumbaga, the person you have the safe space with, hindi mo na mahahanap ‘yon sa iba kung nagagawa mo na ‘yon with your current partner,” sabi pa ng aktres.
Si Rayver, sinabing “todo” siya kung magmahal, kahit pa maging “sugatan” o masaktan ang kaniyang puso.
“That’s the beauty of it naman eh. You learn from that naman kapag nangyari ‘yun,” na sinabing buong-buo siya kung magmahal sa isang tao.
“Ako kasi ang thinking ko ‘pag naging karelasyon ko na ‘yung isang tao o girlfriend ko na ‘yung isang tao, ito na ‘yon hanggang pagtanda ko,” ani Rayver.
Dahil dito, tinanong ni Tito Boy ang dalawa kung naniniwala sila sa second chances.
Si Rayver, sinabing “sacred” sa kaniya ang isang relasyon kaya mas mabuti ang isang bukas at tapat na pakikipagkomunikasyon ng isang couple.
“For me Tito Boy, hindi pa. Alam ko kasi iba ‘yung kapag family man ka na, husband and wife, different story ‘yan with kids. Pero for now, parang, mahirap mag-second chance. Sacred kasi ‘yan for me. Kumbaga, importante rin sa akin na nag-uusap talaga, honest tayo,” ani Rayver.
“Mas matatanggap ko pa kapag naging honest na lang. Masakit pero at least nag-uusap tayo, naging honest ka na hindi talaga kaya or may nagustuhan kang iba. Mas okay po ‘yung ganu’n, kaysa ‘yung masakit talaga kasi pagka nalaman mo,” dagdag niya.
Ngunit si Jasmine, ikinuwento ang kaniyang karanasan kaya kinokonsidera niya ito.
“Ang hirap sagutin ng second chances. Pero sa tingin ko, kasi siguro I grew up with parents that were separated. I always kind of hoped for a second chance for my parents,” sabi niya.
“Up to this day, even though I’m grown up and they are living their own lives with their partners, meron pa ring ganu’n (kaunti) na natitira. [Damdamin ng] anak ang umiiral,” dagdag ni Jasmine.
“Pero hindi ko alam kung bilang girlfriend or as a wife, if this happened to me, I could process it. But I would like to try. I think I’m the type of person who would like to try a second chance,” sabi niya
Cesar masaya para kina Sunshine at Atong
MATAPOS kumpirmahin ni Atong Ang ang kanilang relasyon ni Sunshine Cruz, inihayag ng dating asawa ng aktres na si Cesar Montano na masaya siya para sa dalawa.
“I sincerely wish that they will live happily ever after. They both deserve to be happy,” sey ni Cesar sa karelasyon ngayon ng ex-wife na si Sunshine Cruz.
Sinabi ni Cesar na masaya siya para kay Sunshine. Ang kasiyahan ng dating misis, katumbas daw ng kasiyahan ng kanilang mga anak.
“As a father, my daughters’ happiness is mine as well,” sabi niya.
Inihayag din niya ang kaniyang tuwa at pag-apruba kay Atong.
“Saludo ako kay Atong for being man enough to admit his relationship with Shine.”
Nag-viral kamakailan ang mga video ng paghalik ni Sunshine kay Atong sa isang event.
Sa isang video, makikita na lumakad si Sunshine patungo sa nakaupong si Atong, at kaniya itong hinalikan.
Habang sa isa pang video, si Atong naman ang nagpunta sa lugar ni Sunshine na nakaupo rin noon at kaniyang ring hinalikan.
Tila maayos na ngayon ang relasyon nina Sunshine at Cesar matapos ang kanilang annulment noong 2018.
Nasa isang modern family setup sila ngayon, at dumadalo sa iba’t ibang mga okasyon para sa kanilang mga anak na sina Angelina, Chesca, at Sam.
Naging karelasyon din ni Sunshine ang politikong si Macky Mathay.
Dati namang na-link kay Gretchen Barretto si Atong Ang.