Magic Voyz nagpakitang gilas sa Viva Cafe
DINAGSA ang Viva Cafe sa Araneta Center, Cubao dahil sa grupong Magic Voyz sa Viva Café nu’ng Martes ng gabi . Ang grupo, na binubuo ng pitong miyembro na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at si Johan Shane, ay nagpakitang gilas hindi lang sa kantahan kundi sa mahusay na paghsasayaw.
Ang totoo, ang tatlo sa kanila na sina Jhon Mark , Juan Paulo Calma at Mhack Morales ay nagbida na sa ilang Vivamax movies. Sina Jace at Johan naman ay pambato nila sa kantahan .
Nagpakitang gilas ang dalawa sa biritan nang kantahin nila ang ‘Maybe This Time.’
Sa naturang launching at show ng grupo, ipinasilip din ang music video ng first single nila na ‘Wag Mo Akong Titigan’ na malakas ang recall at nakaka-LSS. Madaling tandaan ang lyrics at kantahin.
Dahil sa magandang reception ng audience sa Magic Voys, sobrang na-inspire ang kanilang talent manager na si Lito de Guzman ng LDG Productions. Na-miss na raw niya ang mag-manage ng grupo kaya binuo niya ang Magic Voyz . Kung matatandaan, siya rin ang manager ng mga sumikat na grupong ‘Baywalk Bodies,’ ‘Wonder Gays,’ ‘Milkmen’ at ‘Batchmates’. Ani Lito: “Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip ko, bakit hindi ako mag-train ng mga boys na naging lead actors na sa mga movies?”
Paliwanag pa niya: “Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. Ang packaging, sexy actors pero may talent, marunong kumanta, sumayaw.”
Bakit Magic Voyz?
“Kasi na-inpire ako sa pelikulang Magic Mike,” paliwanag ni Lito.
Sa ngayon, bukod sa LDG Productions ni Lito, nasa ilalim din sila ng Viva Records.
Bukod sa “Wag Mo Akong Titigan” iri-release na rin ang kanta nilang “Bintana” mula sa komposisyon ng miyembrong si Johan.
For booking and inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook page. Maaari ring tumawag sa Viva Artists Agency at sa number na 09178403522.