Maggie

Maggie nakahandang labanan ang dating mister

July 19, 2022 Aster Amoyo 961 views

Maggie1

Maggie2MALA-CIRCUS ngayon ang relasyon ng dating mag-asawang Victor Consunji at Maggie Wilson, estranged parents ng kaisa-isa nilang anak, ang ten-year-old na si Connor Wilson Consunji.

Victor is a real estate developer mogul and triathlete habang si Maggie ay dating beauty queen, former MTV Philippines VJ, actress-host, celebrity endorser and entrepreneur. She is of Filipino, British, Scottish and Chinese descent and was raised in Jeddah, Saudi Arabia. The now uncouple married on December 18, 2022 and their only son, Connor was born two years later in 2012.

Sa Instagram account ni Maggie nung September 27, 2021 ay kanyang in-announce ang kanilang paghihiwalay ng (dating) mister na si Victor and hinted na magkaibigan pa rin sila lalupa’t may isa silang anak na pareho nilang mahal na mahal. Their son is with Maggie’s ex-husband.

But last Christmas holidays ay hindi man lamang nakita at nakasama ni Maggie ang anak nila ni Victor pero nabuo ang pamilya sa 10th birthday ng bata last April.

Nung nakaraang Biyernes, July 15, marami ang ginulat ng dating beauty queen, actress-host na si Maggie nang kanyang ibahagi sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng video ang ginawang pagpasok ng mga tauhan ng kanyang ex-husband sa kanyang bahay sa Taguig City kasama ang ilang barangay kagawad na wala umanong kaukulang notice, warrant at iba pang papeles. She was on businesss trip nang mangyari ang insidente.

Umalma si Maggie sa ginawa ng mga tauhan ng kanyang ex-husband at humingi ito ng tulong sa mga otoridad lalupa’t wala siya nang mangyari ito. Ang tanging naroon sa bahay ay ang sister niya, isang 5-year-old cousin at kasambahay.

Napag-alaman na nag-file umano ng tatlong counts ng adultery ang kilalang businessman na si Victor laban sa kanyang dating misis na si Maggie (Margaret Wilson) at sa British-Thai model- businessman partner nitong si Tim Connor (Tim Jayankura Na Ayudhya) sa Metropolitan Trial Court Branch 115 & 116 last July 8, 2022. One week after ay saka naman `illegal’ na pinasok ang bahay niya ng mga tauhan ng kanyang ex-husband.

Although mayaman at ma-impluwensiya ang dating mister ni Maggie, gagawin ng dating beauty queen-actress-host ang lahat ng legal means at lahat ng tulong na kanyang matatanggap na may kinalaman sa kanyang kinakaharap na problema.

Last Monday, July 18 ay marami ang ginulat ni Maggie nang ito’y mag-post ng kanyang bagong short hair cut, isang senyales na may matindi siyang pinagdadaanan ngayon.

Patrick

Star-studded na birthday party at binyagan

ISINABAY ng mag-asawang Patrick Garcia and Nikka Martinez ang first birthday ng kanyang bunso at pang-apat na anak na si Enrique Pablo ang Christian dedication nito last July 17 (Sunday) na ginanap sa Psalms Country Club in Alabang na dinaluhan ng kanilang respective families at close friends. Naroon ang elder sister ng actor na si Cheska Garcia-Kramer, her husband na si Doug Kramer at kanilang mga anak. Namataan din doon si Jerika Ejercito at Dianne Medina na bitbit ang anak nila ni Rodjun Cruz na si Rodolfo Joaquin Medina Cruz III at iba pa.

Ang mag-asawang Patrick at Nikka ay may apat nang anak. Bukod sa bunsong si Enrique Pablo, ang tatlo pa nilang mga anak na lahat babae ay sina Michelle Celeste (9), Nicola Patrice (6) at Francisca Pia (4).

Bukod sa apat niyang anak sa asawang si Nikka, ang actor ay may 13-year-old son sa Kapuso singer-actress na si Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Thirsty

‘Pa-Thirsty’ hindi nakauuhaw panoorin

MAGANDA ang pagkakalatag ng kuwento at pagkaka-direk ng young writer-director na si Ivan Andrew Payawal (36) sa sexy-comedy movie na “Pa-Thirsty” kung saan tampok na mga bituin sina Adrianna So, Kych Minemoto at Alex Diaz.

Kasama rin sa movie sina Chad Kinis, Bob Jbeili, Kate Alejandrino at ang veteran actor na si Rey `PJ’ Abellana. In fairness sa buong cast, they were all suited for their respective roles in the movie, napakagaling nilang lahat especially ang tatlong leads na sina Adrianna, Kych at Alex who played an out-of-box love triangle of bi-sexuals na sina Pearl, Achilles at Ali.

Sina Adriana at Kych ay unang napansin at hinangaan sa hit web series na “Gameboys” na dinirek ni Direk Ivan who also directed “Pearl Next Door,” “I America,” “The Comeback,” “Parang Normal Activity,” “Unconditional,” at “Pambansang Third Wheel.”

Ang “Pa-Thirsty” na streaming ngayon sa Vivamax ay nagkaroon ng press screening sa big screen sa Gateway Cinema.

Inamin ni Direk Ivan na katorse anyos pa lamang umano siya ay mahilig na siya sa panonood ng mga pelikula at naroon na umano ang kanyang desire na maging filmmaker balang araw.

Natutuwa naman ang actor na si Rey `PJ’ Abellana na maging part ng ganitong klaseng pelikula working with a young and talented director at baguhang young actors na inaasahan niyang aangat nang husto balang araw.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE