Isko

‘Magbalaeng’ Isko at Diego, nagharap sa binyag ng apo

May 1, 2023 Jun Nardo 316 views

KRISTIYANO na ang anak ni Sparkle artist Jaoquin Domagoso at ng partner niyang si Raffa Castro matapos itong binyagan.

Isinabay na ang binyagan sa unang birthday ng bata na ang pangalan ay Scott.

Sa lumabas na report sa isang online entertainment site, present sa binyagan ang father ni Joaquin na si Isko Domagoso at tatay ni Raffa na si Diego Castro.

Present din ang manager ni Jaoquin na si Daddie Wowie Roxas.

Sa isang simbahan sa Taguig City bininyagan si Scott last April 29. Sa isang resto rin sa Taguig ang reception.

Kumusta kaya ang unang pagkikita ng magbalae na sina Isko at Diego?

Isang binyagan din ang naganap sa anak nina Luiz Manzano at Jessy Mendiola sa anak nilang si Rosie o Baby Peanut.

Reunited sa okasyong ito ang ex-couple na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano.

ZIA, ’DI NAGPATALO KAY SIXTO

NAGPASIKLAB din ang panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera matapos magpasiklab ang bunsong anak na si Sixto na

tumanggap ng gold medal sa taekwando.

Ang panganay na anak naman nilang si Zia ang ipinagmalaki ng mag-asawa sa kanilang social media accounts.

Ipinakita nina Dong at Yan sa kanilang Instagram accounts ang pictures ni Zia sa kanyang piano recital kamakailan.

Bahagi ng caption ni Marian sa picture ni Zia sa harap ng piano, “This little girl always amazes me!”

Para naman kay Dong, isang memorable moment ang mapanood ang unang recital sa piano ni Zia sa gitna ng nangyayari sa mundo.

AUTHOR PROFILE