Default Thumbnail

Magandang programa inilatag ng gubernatorial candidate sa Laguna

January 27, 2022 Gil Aman 698 views

ANG paglalatag ng magandang mga proyekto sa lalawigan ng Laguna ang idinetalye ni gubernatorial candidate Sol Aragones para mas higit pang mabigyan ng serbisyo ang mga mamayan at kaunlaran ng probinsiya.

Una dito, ayon kay Laguna 3rd district Congresswoman Aragones, nakita nito na dapat pa ring pagtuunan ang makapaglagay ng proyekto tulad ng Tertiary Hospital na may kumpletong pasilidad tulad ng MRI, CT scan, Dialysis Center, Chemotherapy, at maraming ICU, gayundin na makumpleto ang mga gamot at mababait na mga staff na mararamdaman ang Alagang Sol.

Sa ngayon anya, bagama’t nabawasan na ang mga biktima ng virus ay hindi pa nakasisiguro ang bawat isa kung kaya’t dapat pa rin ang mahigpit na pag-iingat.

Idinagdag pa ni Aragones na ang dating P500 na tinatanggap ng mga senior citizens ay magiging P1,000 na sa ilalim ng social pension program ng Department of Social Welfare Development (DSWD).

Nakaplano rin sakaling siya ang manalong gobernador na makapagpatayo ng apat na Governor’s Office sa ika-4th na Distrito ng Laguna. Ito ay para ilapit ang tulong ng gobyerno sa tao.

Maging ang turismo ng Laguna ay palalakasin para lumikha ng maraming hanapbuhay.

Dagdag pa nito na layunin nito na tanghalin Tourism Capital of the Philippines ang Laguna kung saan siya ang Tourism Committee sa kongreso.

Nakatuon din ang kanyang programa na makagpatayo ng Bagsakan Center para sa agriculture product sa 3rd at 4th District ng Laguna bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Kasabay din anya nito na tanghalin din na Silicon Valley of the Philippines ang industrial area ng Laguna.

Isang proyekto rin na magpatayo ng Youth Center na may mga pasilidad para sa paglilinang ng mga kabataan.

Nakatuon din ang programa Gob. Aragones na automatikong gagawing iskolar ang anak ng solo parents para makatulong siya sa pag-ahon ng pamilya mula sa kahirapan.

Palalakasin at magiging katuwang sa paglilingkod ang iba’t ibang sektor tulad ng BNS, BHW, Daycare Workers, TODA, JODA, NGOs, PWDs, LGBTQ+, barangay officials, mga magsasaka at mangingisda, mga kababaihan, mga guro, frontliners, event sector, at iba pang sektor ng lipunan.

Gumawa ng mga programang na makakatulong sa mga sektor ng Laguna.

Ang dating proyekto para sa rehabilitation ng Laguna Lake ay kanya rin anyang tututukan.

AUTHOR PROFILE