Magandang aroma
“NAPAKASEXY mo, sinong hindi maaakit diba!”
Isa nga lang ‘yan sa mga komento ng netizens sa unang hirit kahit hindi tag-init ng model-actress na si Rere Madrid.
Sa isang Instagram post, tila may magandang aromang dala ang larawang ibinahagi ng kapatid ni Ruru Madrid, dahil ang lahat ng kelot na nag-scroll sa kanyang page, naaakit sa sex appeal niya.
Kabogera ang wangkata ni Rere sa suot niyang two-piece bikini habang nasa gilid ng swimming pool.
Glowing na glowing ang makinis na balat niya kahit na saan mang anggulo lalo na’t hinahalikan ng sinag ng araw at repleksyon ng tubig.
Patunay nga ang pasabog niyang killer body na bombshell ang model-actress. Hindi lang kasi kurba ang maganda kay Rere, pati na rin ang kanyang tindig ay talaga namang perpekto.
Enjoy nga sa pag-zoom in ang mga barako sa mala-supermodel na body na meron si Rere.
Lodi rin ng netizens ang kagandahan ng mukha ni Rere, nakakabaliw ang papikit na facial expression nito sa larawan na parang may sarap na malalasap.
Maging ang nobyo niyang basketbolista na si Kai Sotto ay napa-wow din sa comment section ng post ni Rere.
Biro pa nga ng netizen sa basketball player, “kalma lang Kai HAHAHAHA.”
Inulan din ng papuri ang bumulwak na alindog sa nasabing post ni Rere. Iba’t ibang komento mula sa netizens ang nagpaliyab pa lalo sa kanyang comment section.
Hirit pa ng isang IG user, “Sobrang sarap mo Rere!”