Suspek Positibong kinilala ng biktima ang mga suspek na nangholdap umano sa kanya. Kuha ni JON-JON REYES

Mag-utol dumayo pa para mangholdap

August 9, 2023 Jonjon Reyes 308 views

NASAKOTE ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Manila Police District- Sampaloc Police Station 4 sa ikinasang manhunt operation laban sa magkapatid na dumayo pa sa lugar, para umano holdapin ang isang 35-anyos na dalaga sa footbridge sa España Street malapit sa Dos Castillas Street, Barangay 479, Sampaloc, Manila, Miyerkules ng madaling araw.

Ang mag utol na suspek nakilala lamang iblang Jim, 24 at Jes, 20, kapwa residente ng West Fairview, Quezon City.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, Station Commander, bandang 2 a.m. nang maholdap ang biktima.

Ayon sa dalaga tinutukan siya ng folding knife ng isang suspek habang ang isa’y sapilitang kinuha ang kanyang Infinix Xos cellphone na aabot sa halagang P9,000.00.

Nagtuloy tuloy lang sa paglalakad papalayo ang mag-utol na parang wala umanong nangyari at papungo sa Loyola Street, Sampaloc.

Agad humingi ng tulong sa pulisya ang biktima.

Namataan at naaresto ang suspek nina Police Staff Sargent Teoderico Serrano Jr., Police Corporal Helgin Lorena, Police Corporal Rhaman Ignacio at Patrolman Jino Piccio.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 294 ng Revised Penal Code (robbery with intimidation of person) ang mga suspek

Nagpaabot naman ng mensahe ng pasasalamat at papuri si MPD Chief Andre P. Dizon sa mga kapulisan Ng Sampaloc dahil sa agarang pag-aresto sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE