Purisima Kinakausap ni P/Maj. Rommel Reyes Purisima ang mga suspek matapos na maaresto sa kasong estafa sa Tondo, Maynila. Agad namang nagpuntahan sa himpilan ng MPD DSOU ang mga biktima para kilalanin at magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mag-utol, 1 kasabwat tiklo sa ‘estafa’ na nambiktima ng 100 katao

January 17, 2023 Jonjon Reyes 749 views

HALOS tumagal lamang ng tatlong oras ang operasyon at magkakasunod na naaresto ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) ang tatlong katao kabilang ang magkapatid sa Tondo, Maynila, Lunes ng gabi.

Unang naaresto ang isang binatang suspek sa Barangay 29, Tondo ng bandang 7:40 ng gabi (Enero 16), sa kanyang bahay matapos isilbi ang kanyang arrest warrant.

Sumunod na naaresto ang magkapatid na lalaki at babaeng suspek sa Bgy. 26 Tondo, sa pagitan ng 8:10 at 9:35 ng gabi, nang ihain din ang kanilang warrants of arrest.

Ang mga suspek ay sangkot umano sa “pangloloko” diumano ng halos 100 nabiktima nila.

Base sa ulat ni Police Maj. Rommel Purisima, hepe ng DSOU-MPD, ang tatlong suspek ay nahuli sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Virgilio Macaraig, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 37 ng Maynila na may petsang Enero 12, 2023 dahil sa kasong “estafa” in relation to Republic Act (RA) 10175.

Gayunman iniutos ng korte na magpiyansa ng P54,000 ang bawat isa sa mga akusado habang pansamantala silang nasa kustodiya ng DSOU.

AUTHOR PROFILE