Mag-ina sa QC patay sa sunog

February 9, 2022 Melnie Ragasa-limena 156 views

NASAWI ang isang mag-ina matapos na makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Quezon City, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ang mga biktimang ay nakilalang sina Helen Uy, 67, at kanyang anak na si Johanna Uy, 40, habang nasugatan naman sa kanang kamay si Valerie Uy, 34-anyos.

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-5:00 ng madaling araw, Pebrero 9 nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag na tahanan ng mga biktima sa New Manila, Brgy. Mariana, lungsod Quezon.

Sinasabing nagsimula umano ang sunog sa laundry area ng tahanan na matatagpuan sa unang palapag nito ngunit hindi pa batid ang sanhi nito.

Nagawa umanong makalabas ng bahay ng kanilang katulong ngunit na-trapped naman ang mag-ina sa kanilang silid na nasa ikalawang palapag ng tahanan.

Dalawang sasakyan rin ang nadamay sa sunog na umabot lamang ng unang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-6:20 ng umaga.

Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang mga arson investigators sa sunog na tinatayang tumupok sa may P2,250,000 halaga ng mga ari-arian.