Kinatay

MAG-IINA KINATAY!

August 31, 2023 Zaida I. Delos Reyes 162 views

Nanay, 5 buwang gulang na sanggol; paslit, 3, pinagtataga parang baboy

PINAGTATAGA na parang mga baboy ng di pa kilalang suspect ang isang ina at dalawa nitong anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pupua , Catbalogan City , Samar.

Naliligo sa sariling dugo nang matagpuang ang mga biktimang sina Rea Oreo,26, tatlong-taong gulang na anak na babae at limang buwang gulang na anak na lalaki.

Ang mga biktima ay natagpuan ni Edito Candiz, asawa ni Orea at ama ng mga batang biktima.

Napag-alaman na ang bahay ng mga biktima ay may 200 metro ang layo mula sa main road .

Ayon sa ulat, umuwi si Candiz sa kanilang bahay at laking gulat nito nang makita ang kanyang mag-anak na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng taga sa katawan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente at malaman narin kung sino ang responsable sa pagpatay.