Default Thumbnail

Mag-cloud seeding na – ACT CIS

July 9, 2023 People's Tonight 208 views

BAGO pa raw matuyuan ng tubig ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan, kailangang simulan na ang “cloud seeding” sa lugar.

Ito ang suhestiyon ni ACT-CIS 3rd Cong. Erwin Tulfo matapos i-anunsyo ng Angat Dam officials na nasa below operating level na ang tubig sa naturang dam.

“Wag na siguro nating antayin na magrasyon na ng tubig dito sa Metro Manila dahil wala ng tubig ang Angat”, ayon kay Cong. Tulfo.

Ayon pa kay Cong. Tulfo, “ginagawa naman natin ito kapag kailangan ng tubig sa mga dam na mababa na ang water level kahit hindi naman El Niño”.

“Mas maganda mag-cloud seeding na habang may mga ulap pa sa ibabaw ng Angat”, dagdag pa ng mambabatas.

Panawagan naman ni ACT-CIS 2nd Cong. Jocelyn Tulfo na magtulungan na ang Department of Science and Technology (DOST) at Department of National Defense (DND) para maumpisahan na ang cloud seeding program.

“I believe galing sa DOST yung chemicals para ikalat sa mga ulap at ang DND naman ang nagpo-provide ng eroplano na galing sa Philippine Air Force”, ani Congw. Tulfo.

“It has to be done now before it’s too late or bago nga mawalan na na ng ulap sa ibabaw ng Angat,” pahabol naman ni ACT-CIS 1st Cong. Edvic Yap.

Ang cloud seeding lang ang nakikitang solusyon ni Cong. Tulfo para matugunan ang tagtuyo ngayong panahon ng El Niño.

AUTHOR PROFILE