Default Thumbnail

Mag-asawang rebelde sumuko

July 6, 2023 Jojo C. Magsombol 279 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas- Boluntaryong sumuko ang dalawang Citizen Communist Group (CTG) sa mga pulis sa isang kampo sa Bgy. Dayapan, Lemery Batangas, Lunes ng hapon.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, may tatlong anak ang sumukong mag-asawa.

Sumurender ang mag-asawa bandang ala 1:00 ng hapon noong Hulyo 3, 2023 ng mga pinagsanib na tauhan mula sa 401st A MC, RMFB4A (lead unit), 403rd A MC, RMFB4A, Lemery Municipal Police Station (MPS), TF UGNAY, 21D, PA, 59IB PA at 301st SMG 300th PAF.

Ang mag-asawa ay napaulat na dating full pledged party member ng Sangay ng Partidong Lokal na kaanib ng ANAKPAWIS na nakadestino sa Batangas.

Kasama ang dalawa sa watchlist ng Philippine National Police.

Nakatanggap ng cash assistance at isang sako ng bigas ang mga nabanggit na CTG personalities.

AUTHOR PROFILE