Default Thumbnail

Mag-asawa tinadtad ng saksak sa Ecija

July 12, 2023 Zaida I. Delos Reyes 316 views

TADTAD ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ang mag-asawang magsasaka nitong Lunes ng gabi sa Bayombong, Nueva Ecija.

Nakilala ang mga biktima na sina Carlos Palonya Bala-wa, 53, at Julie Daligue Bala-wa, 52, pawang mga residente ng Barangay Bueanvista.

Batay sa ulat ng PNP, ang mag-asawa ay natagpuan dakong 11:00 ng gabi sa Sitio Kalingkingan, Purok 7, Barangay Buenavista, sa nasabing bayan.

Ayon sa anak na babae ng mag-asawa, nitong Linggo ng umaga ay umalis ang mag-asawa at nagtungo sa kanilang bukid para ayusin ang isang hose na pinagkukunan ng tubig ng buong forest area.

Hindi na umuwi ang mga biktima kung kaya’t nagpasya ang kanilang mga anak na hanapin sila sa bukid.

Laking gulat na lamang nila nang tumambad sa kanilang mata ang nakahandusay at walang buhay na magulang na tadtad ng saksak sa kaawan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.