Crime

Mag-asawa pinatay sa loob ng bahay

September 27, 2023 Zaida I. Delos Reyes 267 views

PATAY ang mag-asawa matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect sa loob ng kanilang bahay nitong Martes ng gabi sa Zamboanga City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Warkin Abdurasad Adu at asawa nitong si Felina Ahamad Adu.

Batays sa ulat ng Zamboanga City Police Office , naganap ang pamamaril sa loob ng tahanan ng mag-asawa na matatagpuan sa Barangay Ayala sa nasabing lungsod.

Nagre-repack umano ng uling si Felina habang naghahanda ng hapunan si Warkin nang bigla na lamang pumasok ang mga armadong suspect at pinagbabaril ang mag-asawa.

Dead on the spot ang mag-asawa habang mabilis namang tumakas ang mga suspect patungo sa hindi pa malamang lugar.

Ayon sa PNP, ang mag-asawa ay pawang mga sibilyan at hindi kandidato sa anomang posisyon sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.