Default Thumbnail

Mag-asawa nabiktima ng Akyat Bahay sa QC

May 20, 2022 Melnie Ragasa-limena 423 views

MILYONG halaga ng cash at mga mamahaling alahas ang sinasabing tinangay umano ng mga miyembro ng ‘Akyat Bahay’ sa mag-asawang negsoyante sa Quezon City, na nadiskubre nitong Huwebes ng umaga.

Ang mag-asawang biktima ay nakilalang sina Rosita at Napoleon Cabling Venturina, 64, businessman, at residente ng 2 Artemis St., corner Apollo St., Tivoli Greens Subdivision, Brgy. Old Balara, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon CIty Police District (CIDU-QCPD) bandang 7:00 ng umaga (May 19), nang madiskubre ng biktima na napasok na umano ng mga kawatan ang kanilang tahanan.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Nido Gevero Jr., ng CIDU, nadiskubre lamang ni Venturina na napasok umano sila ng kawatan nang magtungo sa loob ng banyo ang misis na si Rosita at nalaman na nawawala ang kaniyang Rolex wrist watch na iniwan umano niyang nakapatong sa lababo.

Doon ay nalaman ng mga biktima na bukod sa nawalang Rolex ni Rosita na nagkakahalaga ng P750,000 ay nalimas din ng mga kawatan ang kanilang mga alahas na aabot sa P 2,000,000; dalawang ng Rolex male wristwatch at isang Cartier wrist watch (P1,500,000), at cash na nagkakahalaga ng P 1,000,000 na nakatago sa vault.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa naganap na nakawan na posible umanong inside job dahil wala umanong ‘force of entry’ silang naobserbahan. Ni MELNIE RAGASA-JIMENA