Shabu

Mag-asawa bagsak preso sa P3.4M shabu

August 23, 2023 Zaida I. Delos Reyes 236 views

ARESTADO ang mag-asawa matapos makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa buybust operation na isinagawa nitong Martes sa Maguindanao del Norte.

Nakilala ang mga naaresto na sina Samera Osmeña at asawa nitong si Saidamin Sumama Laguiamuda.

Naaresto ang mga suspect sa buy-bust operation na ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao , Philippine Army at Sultan Kudarat Municipal Police Station sa Barangay Simuay crossing, Sitio Abubakar, Sultan Kudarat.

Nakuha mula sa mga suspect ang 11 piraso ng plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 510 gramo at buy-bust money, dalawang cellphones at isang baril.

Dinala ang mga suspect sa kustodiya ng PDEA-BARMM habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition.