Mag-amo arestado

November 27, 2022 Jonjon Reyes 90 views

INARESTO ng mga operating MPD sa bisa ng Search Warrant ang isang Chinese national at helper nito ng Sky Light Motorcycle Parts and Accessories , makaraang mag hain ng reklamo ang isang 41-anyos na Quality Control Officer / Intellectual Property ng JRP- Thailand Motorcycle Parts and Accessories Store dahil sa mga ginayang produkto ng accessories ng motorsiklo sa isang Mall sa panulukan ng Claro M Recto Avenue at Dagupan Street sa Divisoria, Tondo, Manila , hapon nang nakaraang sabado.

Dahil dito , pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 155 ( trademark Infringement ) at Section 168( Infair Competition ng Republic Act 8293 ( Intellectual Property Rights) ang mah-amo.

Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District, bandang 4:30 ng hapon, nang madatnan ang dalawa sa nasabing store sa Claro M Recto Avenue sa Tondo.

Bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Philip Charles Santos, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 25 ng Manila na may petsang Nobyembre 25 2022.

Agad na pinasok ang tindahan at hindi inabot ng mga operatiba ng SMaRT ang may ari ng tindahan, kaya ang dalawa ang binitbit at nakumpiska ang anim na kahon at 10 sakong JRP seat cover ; anim na kahong JRP na Handle Grip; 2 maliit na crates ng JRP key chain at isang sakong JRP handle bar cover na tinatayang nasa P100,000.halaga.

Nag ugat sa pagkakaaresto ng dalawa, makaraang magsampa ng reklamo ang isang Wilmar Ramirez representante ng JRP -Thailand.

Dahil dito , iniutos ni Major Samonte kay Police Major Emmark Dave Apostol at kay Police Leutenant Edgar Julian, kasama ang ilang tauhan nito at si Ramirez na iserve ang search warrant laban sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE