Mag-aama tulad nina DU30, Mayor Sara, atbp patok pa rin sa pulso ng masa
PATOK pa rin sa pulso ng masa ang ilang pulitiko na mag-aama, tulad ng mga DU30, Mayor Sara, atbp, kaya nais pa rin nilang ihalal ang mga ito sa darating ng 2022 elections.
Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) lumitaw sa kanilang survey na iilang magkapamilya ang namamayagpag parin at nakakuha ng mataas na “job performance rating” kabilang na ang Pangulong Rodrigo Duterte na nakakuha mataas na approval rating na 60% sa buwan ng Agosto 2021 at ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara na nakakuha ng 92% (July 2021) na rating at naging Top 1 City Mayor sa buong bansa.
Maging ang mag-amang Mercado sa Southern Leyte, na sina Mayor Nacional Mercado ng Maasin City ang nanguna sa buong Eastern Visayas na may 70% na (September 2021) “performance rating”, samantalang ang kanyang ama na si Cong. Roger Mercado ay top 5 sa nasabing rehiyon na 57% sa buwan Agosto 2021.
Sa NCR naman ay ang mag-amang Mayor Oca Malapitan na may 65% (August 2021) “job approval rating” na pinakamataas na nakakuha kumpara sa mga nakaraang Alkalde. Ang kanyang anak ay na si Rep.Dele “Along” Malapitan ay Top 6 NCR Congressman na may nakakuhang 65% (Aug. 2021).
Nakakuha din si Rep. Malapitan ng mataas na approval rating at may 67% voter support sa pagtakbo kapalit ng kanyang ama sa pagka Alkalde.
Maging ang mag-ama sa Zamboanga del Norte na si Mayor Darel Uy ng Dipolog City na may mataas na approval rating na 72% buwan ng August 2021 at ang kanyang ama na si Governor Roberto Uy na nakakuha ng 68% performance rating. Napabalitang walang lalaban sa mag ama sa darating na halalan.
Patok din sa masa ang Top 1 NCR Congressman na si Cong. Ronnie Zamora na may 80% approval rating sa buwan ng August 2021 habang ang kanyang anak na si Mayor Francis Zamora ng San Juan City ay nakakuha ng mataas na approval rating 64% at kung sakaling tatakbo muli sa pagka Mayor ay may 60% na supporta ng mga botante.
Sinabi pa ni Dr. Paul Martinez, patunay lamang na hindi masama na magka pamilya o mag ama ang mamumuno sa isang bayan.
Ang mahalaga ani Dr. Martinez ay tapat na manglilingkod at nagtratrabaho ang magkapamilyang pulitiko base sa kani-kanilang mandato.