Madrona Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona

Madrona suportado DOT, Grab project

June 7, 2023 Mar Rodriguez 1435 views
Frasco
Tourism Secretary Christina Garcia Frasco

SUPORTADO ng House Committee on Tourism ang inilunsad na “pilot-testing”ng proyekto ng Department of Tourism sa Grab Philippines para gabayan ang mga dayuhang turista sa malibot ang mga magagandang tourist destinations sa Pilipinas.

Nauna rito, nakipag-partner sa GRAB Philippines ang Department of Tourism (DOT) para sa “pilot testing” ng proyekto kung saan gagamitin ang Grab Apps para makapag-city tour ang mga dayuhang turista.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na magiging kaakibat ng kanilang ahensiya ang GRAB Philippines sa pamamagitan ng “book tours” sa ilalim ng ikinakasa nilang proyekto na “GrabTours Manila”.

Ipinaliwanag ni Frasco na ang mga Grab drivers ang magsisilbing “tour guide” ng mga turista na magbo-book sa kanila para gabayan sila na mapuntahan ang mga magaganda at makasaysayang lugar sa Maynila. Katulad ng Fort Santiago, San Agustin Church, National Museum Casa Manila at Binondo.

Dahil dito, nagpahayag ng labis na kagalakan si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee sa Kamara, kaugnay sa inihahandang proyekto ng DOT na bagama’t “pilot testing” pa lamang. Subalit naniniwala si Madrona na malayo ang malayo ang mararating nito.

Sinabi ni Madrona na “unique” ang binabalangkas na proyekto ng Tourism Department sapagkat mas lalo umano nitong mapapalakas ang turismo ng bansa na itinuturing na “economic drivers” ng ating ekonomiya.

Nakikita rin ni Madrona na hindi maglalaon ay mas lalong dadami ang mga turistang magpupuntahan sa Pilipinas dahil mas naging “accessible” at kombinyente ang pagpunta sa mga magaganda at makasaysayang tourist destinations.

Pinapurihan din ng kongresista si Secretary Frasco dahil sa mga magagandang idea nito o ang tinatawag nitong “very creative ideas” para sa promotion ng Philippine tourism na mas lalong maghahakot ng maraming turista patungo sa bansa.

AUTHOR PROFILE