Default Thumbnail

‘Madam,’ kalaboso sa P306K shabu sa Quiapo

May 25, 2023 Jonjon Reyes 417 views

KULUNGAN ang kinahantungan ng isang bebot matapos arestuhin ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit( SDEU) ng Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station (PS) 14 sa isinagawang buy-bust operation, habang damay din ang “parokyano” umano nito, Miyerkules ng gabi sa panulukan ng Buenviaje at Caromina Streets, Quiapo, Maynila.

Kinilala lang muna sa alyas “Madam” ang babaeng suspek ng Tondo, Maynila habang ang kliyente nito diumano ay isang 58-anyos na lalaki, ng Sampaloc sa lungsod.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Roberto Mupas, station commander, bandang 7:10 ng gabi (Mayo 24) nang kapwa bitbitin ng mga tauhan ni Mupas sa pangunguna ni P/Maj. Gil John Lobaton, hepe ng SDEU, ang dalawa sa ikinasang operasyon.

Agad na inaresto si “Madam” ng mga operatiba ng SDEU matapos iabot ang iligal na droga kapalit ng markadong P500 pati ang parokyano nito na nasa lugar.

Narekober sa suspek ang sampung plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 45 gramo at may katumbas na halagang P360,000.

Ayon kay Mupas, patuloy nilang ginagampanan ang direktibang iniatang sa kanila ni MPD Director PP/BGen. Andre P. Dizon “The Game Changer General” ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO.

Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165.

AUTHOR PROFILE