Mcbeth

Macbeth, may malaking pasabog sa selebrasyon ng 20th anniversary

October 1, 2022 Ian F. Fariñas 116 views

MALAKING pasabog ang inihahanda para sa Macbeth 20th anniversary ngayong Oktubre kasama ang 20 mainstream at underground bands na halinhinang magpe-perform kasabay ang isang fashion show sa loob ng isang buong araw.

Sa grand media conference kamakailan para sa nasabing event, tiniyak ng direktor ng show na si Benjie Estanislao na kakaiba ang konsepto ng pagtatanghal na gaganapin sa October 8 sa Metrotent Convention Center, Pasig City.

“It is a big surprise, a normal big event where there will be a two band set-up in two different stage and and at the same time a catwalk in both set-up pero leading them both in one. This is a show you want to see na super bands and you have a fashion show. There’s a lot, lot more, iba-ibang surprises din ito,” ani Direk Benjie.

Mahirap mang i-stage ang bonggaderang plano at kakaibang konsepto, excited pa rin ang direktor para sa nasabing paandar.

“It’s difficult na sabay na tumutugtog ang dalawang banda tapos sabay ng pagrampa ng mga modelo tapos nagpapasa-pasahan sila. I’m actually nervous and excited at the same. This is the time for us to pull off this kind of event, this kind of show.

“This is the very first time, from the bands, from the line-up experience even ‘yung experience n’yo sa pagpasok pa lang there is a big bang going to happen. And if you want to experience it, come and join us.

“This is the first time I believe, in Philippine history to have an event of this magnitude. Putting bands and a fashion show at the same time. Parang ‘yung sa Victoria’s Secret with Maroon 5 kaya lang, sa kanila isang band lang, dito two bands,” patuloy ni Direk Benjie.

In addition to this, ang mga bandang makiki-jamming sa anniversary show ay konektado sa Macbeth. Ito ang siniguro ni France Santiago, marketing director ng Macbeth.

Dugtong ni France, “Kaya rin namin sila kinuha dahil we are celebrating our 20th anniversary. Kinuha namin ‘yung 20 favorite bands ng Macbeth from different genres and underground music kasi ‘yun ‘yung aim namin — to merge ‘yung dalawang world — mainstream and underground music into one event. So, ginagawa namin na magkaroon ng fair opportunities lahat ng banda para rito sa event na ito.”

Kasamang magpe-perform sa Macbeth 20th anniversary show ang mga tulad nina Rico Blanco, Mayonnaise, Chocolate Factory, Sandwich, Chelsea Alley, Urbandub, Hilera, Even, Snakefight, Sucketseven, Fragments, Chndtr, Fastpitch, Soapdish, Written By The Stars, Divina, Lilith, Shotgun Combo, Imbue No Kudos, Rouge and Macbeth All-Stars at Superband.

Magsisilbi ring launching ng Lady Macbeth at Macbeth Underwear ang show.

AUTHOR PROFILE