Default Thumbnail

Mabuhay ka, kasamang Paul Gutierrez!

May 24, 2023 Vic Reyes 201 views

Vic ReyesBAGO ang lahat, binabati natin si kasamang Paul Gutierrez, na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos upang pamunuan ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Si kasamang Paul, ay isang beteranong haligi ng media na nagsilbi ng halos dalawang dekada.

Kaugnay nito, umaasa ang mga kasama natin sa industriya na higit na mabibigyang proteksyon at pangangalaga ang hanay ng mga mamahayag sa bansa.

Mabuhay ka, kasamang Paul!

****

Noong Lunes, Mayo 22, isang pasaherong Salvadoran national ang inaresto ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil nakitaan ang kanyang luggage ng cocaine.

May timbang na 3,120 gramo, ang cocaine ay nagkakahalaga ng P16.5 milyon, ayon sa Bureau of Customs (BOC)-Port of NAIA, na pinamumunuan ngayon ni District Collector Yasmin O. Mapa

Ang suspek ay dumating sa Manila sakay ng Qatar Airways flight QR 932 mula Doha, Qatar na galing ng Brazil.

Bago pa dumating sa bansa ang eroplano ay nakatanggap na ang mga taga-BOC ng impormasyon na may parating na pasahero sakay ng Qatar Airways na may dalang cocaine.

Kaunay nito, kaagad na nakipag-coordinate ang BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITF).

Nang dumating ang Salvadoran ay idinaan ang kanyang luggage sa screening, kasama na ang x-ray scanning, K9 sniffing at thorough physical examination.

Dito na nadiskubre ng mga otoridad ang 3,120 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P16.5 milyon.

Dito ay kitang-kita ang kahalagahan ng magandang ugnayan ng mga taga-BOC sa kanilang foreign counterparts.

Ang ahensya, sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay “committed in protecting the national borders” para mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando.

Ito ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa ismagling, lalo na ang prohibited drugs at agricultural products.

****

Determinado ang Bureau of Customs (BOC) na i-pursue ang kailang “trade facilitation agenda.”

Kaya nga kamakailan ay nakipagpulong ang mga opiyal ng BOC sa mga taga-United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UN-ESCAP).

Ang pulong ay naglalayong palakasin ang tinatawag na electronic trade data exchange.

Ang collaboration ay nasa ilalim ng Framework Agreement on Facilitation of Cross-Border Paperless Trade in Asia and the Pacific (CPTA), isang UN treaty.

Ang tratado ay naglalayong i-expedite ang implementasyon ng “digital trade facilitation measures for trade and development between UN ESCAP and the BOC.”

Ang mga “insight” na ibinigay ng BOC sa naganap na consultative session ay mahahalagang inputs para sa feasibility study on the electronic exchange ng trade-related data at documents sa bansa.

“The study delves into a comprehensive analysis of the technological capabilities, legal frameworks, and operational requirements necessary for the implementation of electronic trade data exchange,” ayon sa BOC.

Ang study ay naglalayon ring ma-identity ang challenges at risks para makapag-develop ng mga epektibong stratehiya “to mitigate them.”|

Sa isang mensahe sa ESCAP, kinilala ni Commissioner Bievenido Y Rubio ang tulong ng UN agency sa implementasyon ng “Framework Agreement on the Facilitation of Cross-Border Paperless Trade in Asia and the Pacific.”

Ayon kay Rubio, ang implementasyon ng paperless trade “will also enhance transparency and reduce expenses.”

****

Naniniwala tayo na ang Bureau of Customs (BOC) ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na may magandang performance sa unang taon ng Marcos administration.

Sa Huwebes, Hunyo 1, ay magsisimula na ang 12 months in office sa panunungkulan si Ferdinand :”Bongbong ” R. Marcos Jr. bilang Pangulo ng Pilipinas.

Maglalabas na rin ang mga opisina ng gobyerno, kasama na ang BOC, ng kani-kanilang accomplishment report.

Dito makikita kung sinu-sinong ahensya ng pamahalaan ang tatawaging “Top Performing Offices.”

Malamang dito rin ibabase ni Pangulong Marcos kung sinu-sino ang mga kailangang palitan na.

Kamakailan lang ay sinabi ng Ilocanong Pangulo na matatapos na ang one-year OJT (on-the-job training) ng mga inilagay niyang hepe ng mga iba’t-ibang opisina.

Ang mga kakabahan dito ay ang mga lingkod-bayan na walang naipakitang magandang nagawa.

Tama ba kami, Executive Secretary Lucas Bersamin?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE