Erwin Ang inyong abang kalihim na DSWD Secretary (kanan) kasama si DSWD Undersecretary for Operations Jerico Francis L. Javier.

Mabuhay ka DSWD Usec Jerico Javier!

August 3, 2022 Erwin Tulfo 1074 views

TulfoMALUGOD kong binabati ang batikang People’s Tonight reporter na si Jerico Francis L. Javier na sumumpa noong Agosto 2, 2022 sa kanyang bagong tungkulin bilang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary for Operations.

Si Usec. Jerico ay naging responsable at patas na miyembro ng media ng 25 taon bago siya naging miyembro ng DSWD.

Bilang reporter ay pulos papuri ang natatanggap ni Usec. Jerico mula sa kanyang mga kasamahang reporter at mga bosing na editor

“Marunong makisama, madaling kausap, at walang ere,” ang unanimous na paglalarawan sa ngayo’y DSWD Usec. for Operations.

“Hindi lang sya kasama sa trabaho kundi utol ko na sya. Kahit Wala pa sya sa DSWD, marami nang naitulong sa kapwa yan. Kay Usec. Jerico, ramdam mo ang pagiging sincere sa pag tulong sa kapwa at mga kasamahang media,” ayon kay PT columnist Marlon Purificacion.

Bilang manunulat, naging layon ni Usec. Jerico na mapabuti ang buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Bilang kasamahan sa trabaho, maituturing ng inyong abang Kalihim sa DSWD si Usec. Jerico na tunay na tapat sa kanyang trabaho at hindi matapatan ang malasakit sa kanyang kapwa, lalo na sa mga kapos palad.

Ang kanyang loyalty sa kanyang mga ginagampanang tungkulin bilang manunulat, asawa, ama at ngayo’y lingkod bayan ay mahirap pantayan. Naging personal na saksi ang inyong abang lingkod sa kanyang mga gintong katangiang ito.

Naniniwala po ang inyong abang Kalihim na si Usec. Jerico ay magiging kaagapay ng DSWD upang mapaglingkuran ng lubusan ang mga kapwa natin Pilipino at maibsan ang paghihirap ng mga nangangailangan.

“Ang bilin po ng Pangulong BBM ay simple lang — walang maiiwan sa pagbangon natin mula sa pandemya.”

Ito ang pangako ni Jerico nang siya ay sumumpa sa kanyang tungkulin kamakailan.

“Kaya tayo po ay kailangang magkaisa at sumuporta sa adhikain ni Secretary Erwin (Tulfo) para sa mahihirap natin kababayan. As the President said, we need to stand together and unite to bring our nation to a better future.

Kay Secretary Tulfo, pag-utusan n’yo po ako,” ang dinagdag pa niya.

Ang aking tugon kay Usec Jerico ay isang masigabong palakpakan at saludo.

Sa tulong mo ay masisiguro ko nang nasa mabuting kamay ang ating mga kababayan. At tunay na makakabangon na ang bansa mula sa pandemya.

AUTHOR PROFILE